“Matatag na Puso at Diwa: Inklusibong Pagpapakato, Determinadong Bayanihan, Positibong Kinabukasan”
Bilang isang Kooperatiba sa Pilipinas, isinasabuhay natin ang diwa ng pagkakaisa at pag-asa para sa mas magandang buhay ng bawat miyembro. Sa gitna ng mga patuloy na kalamidad at matinding problema na kinakaharap ng ating bansa, ang ating matatag na puso at diwa ay nagsisilbing pundasyon upang tayo’y patuloy na makabangon. Isa sa mga kilalang katangian nating mga Pilipino ay ang “bayanihan”. Kung kaya naman patuloy nating pinalalakas ang prinsipyong ito sa pamamagitan ng mga serbisyo at programang nakatutulong sa bawat miyembro pati na rin sa ating lipunan.
Makiisa na! At samahan ninyo kaming maging bahagi ng solusyon at pagbabago sa Treasure Link Cooperative Society, ang inyong cooperative of choice!

#tataktlcs #treasurelinkcooperativesociety #FilipinoValuesMonth2025









