Skip to content

Tuwing buwan ng Oktubre, ipinagdiriwang natin ang “Communications Month”, Alinsunod sa Proclamation No. 308, s.2023. Kinikilala natin ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapalakas ng pag bibigay at pagpapakalat ng impormasyon.

Sa panahon ng digital media, kritikal ang kakayahang maghiwalay ng totoo sa hindi. Bilang mamamayan at kasapi ng isang kooperatiba, mahalagang hindi lang tayo basta naghihintay ng balita. Maging aktibo tayong kumuha ng updates mula sa official sources patungkol sa mga polisiya ng ating kooperatiba at sa mga nangyayari sa ating lipunan.

Ang malinaw na komunikasyon ang mabisang panlaban sa kalituhan at maling impormasyon. Magtanong kung may hindi naiintindihan. Maging matalino at mapanuri sa bawat balita.

#tataktlcs#treasurelinkcooperativesociety#communicationsmonth