
-Kawikaan 22:6
Isang matagumpay na Financial Literacy Training ang isinagawa sa Santiago City, Isabela para sa mga miyembro ng TLCS Isabela LabCoop at mga kabataan ng (SKEP) Samahan ng Kabataang Episcopal sa Pilipinas mula sa St. Augustine Anglican Cathedral in the Valley, Episcopal Diocese of Santiago. Ito ay pinangunahan ng ating mga kasama mula sa TLCS LabCo at TLCS Isabela office. Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin at sinundan ito ng maikling ehersisyo.
Maliban dito, hindi lang ang mga kabataan ang dumalo, kundi pati na rin ang ilang magulang at guardians na nagbahagi ng kanilang kaalaman patungkol sa kahalagahan ng pag iimpok. Ang kanilang masiglang pakikilahok ay patunay na ang financial literacy ay para sa lahat, anuman ang edad. Ito ay isang pamana na maipapasa sa bawat henerasyon.
Sa pamamagitan ng paghahasik ng kaalaman sa financial literacy sa murang edad, tinitiyak natin na ito ang magiging susi sa kanilang matatag at maunlad na kinabukasan.
Kaya’t sama-sama nating hubugin ang isang financially smart na henerasyon.









